ice-works on DeviantArthttp://creativecommons.org/licenses/by-nc-nd/3.0/https://www.deviantart.com/ice-works/art/Kulang-na-Piraso-111509677ice-works

Deviation Actions

ice-works's avatar

Kulang na Piraso

By
Published:
252 Views

Description

"Kulang na Piraso"
by Ivan Carlo Arrojado Basit


Minsan kang kalakbay sa nyaring landas.
Minsang may pangako ng pag-ibig na wagas.
Ngunit pangakong iyo’y naglaho’t di na mabakas,
Pagkat ikaw ngayo’y wala na sa aking bukas.

Sa bawat pagsapit ng dilim, ikaw ang gunita.
Kalian ba muling masisilayan ganda ng iyong mukha?
Habambuhay aasang kita’y muling makikita.
Mananalanging ika’y kapiling sa buhay na kabila.

At habang aking mga paa’y nakatali pa sa lupa,
Tila agos ng ilog, pagpatak ng aking mga luha.
Pagkat ala-ala ng paglisan mo’y sadyang kaysakit,
Na tayo’y nagkawalay na may hinanakit.

Ngunit maghihintay na pagpapatawad mo’y makamit,
Tatahakin mga araw ng lungkot at pagsisisi.
At habang ika’y maligaya sa malayong paraiso,
Sa buhay ko, mananatili kang kulang na piraso…
Image size
824x768px 210.13 KB
Comments0
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In